Komentaryo: Humahabang giyera kontra basura

  1. 20180318_101214

 

 

LIPA CITY (24 Hunyo)—Magandang araw LCP! Bilang advocate ng Lipa sa pamamagitan ng Lipa Status, taxpayer, residente at nagtatrabaho sa Lipa, ramdam ko ang problema sa waste management ng siyudad. Base sa mga posts sa LCP, 2014 pa lang usapin na ang mga non-regulated na paghahakot ng basura at pagtatambak ng mga basura sa mga kalye ng Lipa. Ito ay hanggang sa naging hot topic ito simula ng 2015.

Sa loob ng apat na taon, bakit paulit-ulit na lang ang problema sa waste management at lumalala pa sa halip na magkaroon ng improvement? Nadadaanan ko halos araw araw ang mga pangunahing kalye ng Lipa at talaga namang nakakadisymaya na makita ang mga tambak at mabahong basura. Nito nga lang nakaraang linggo, may mga bisita ako ng mga taga ibang lugar at masuka suka sila sa amoy ng tambak na basura at nagtanong “bakit nagkaganito kayo dito sa Lipa?”

Noong ika-20 ng Abril 2015, kasama na ang basura sa nga hot topics sa LCP; idinulog ng LCP ang isyu sa mismong harap ng Sangguniang Panglunsod. Sa mga taong nagdaan at sa kasalukuyang panahon same old hot topics pa din ang napapag usapan sa LCP. Who dropped the ball? Ang mga taong bayan ba na sinasabi ng ilan na pangunahing dahilan dahil walang disiplina, o ang mga opisyales na sinasabi naman ng ilan na walang paghihigpit sa batas at walang konkretong aksyon sa waste management?

Ayon sa Republic Act 9003, parehong may pananagutan at tungkulin ang mga taong bayan at mga opisyales nito. Bilang residente at nagmamahal sa Lipa, nakakasunod ako sa disiplina na panawagan ng ilan. Perokung ilang araw na itong nakatambak sa aming tahanan at walang naghahakot nito, ibang usapan na yan. Wala naman po kaming malawak na lupa at machinery upang mag-segregate at i-convert ang mga recycled materials sa ibang gamit. Ang tanging magagawa natin bilang mamayan ay sumunod sa batas at limitahan ang paggamit ng mga non-biodegrable materials para makatulong sa pag reduce ng waste disposals. Ang panawagan ay hindi lang sa mga individual kundi pati na rin sa mga negosyante at iba pang mga institution na malaki ang ambag sa waste disposal.

Ang nais kong makita sa siyudad ng Lipa ay consistent na paghihigpit ng local government sa kaayusan at kalinisan ng lansangan. Nagawa na natin ito noong 1990s at early 2000s kung saan pumapantay pa ang Lipa sa Puerto Princesa City pagdating sa kalinisan. Ang panghuhuli ay karadagang income din para siyudad.

Base sa mga videos (mula sa The Filipino Connection) ng ating mga opisyales patungkol sa kanilang solution, nauunawaan ko na ito ay kailangan dumaan sa pag aaral at proseso pero ilang taon na po ang problema at malapit na ulit matapos ang termino ng mga kasalukuyang nakaupo. Nakakatakot na mag back-to-zero na naman tayo sa usaping basura sa 2019. Napag-usapan din po ang tungkol sa landfill sa mga sub-urban na barangay ng Lipa tulad ng San Francisco. Sana ay isipin natin kung ano ang epekto nito sa ating environment at sa ating supply ng tubig. Taong 2018 na po tayo at milyon din lang naman ang nagagastos ng gobyerno sa basura, sana ay makagawa ng long-term solution with less effect sa ating kalusugan at environment.

Sa atin naman pong ilan sa mga traditional supporters ng magkabilang panig at sa ating ilan na mga opisyales, wag niyo naman po sana masamain ang mga naka-post sa LCP. Isantabi ang usaping pulitika at sa halip na magsisihan ay bumalangkas ng pagmatagalan at safe na solusyon. Hindi po masama na punahin ang isang issue lalo na at ito’y paulit ulit at walang improvement. Ito po ay para sa ikakasaayos ng siyudad. Dapat noon pa lang ay napag aralan at napagplanuhan na ang statistics ng Lipa pagdating sa population, subdivisions, establishments etc. Masarap na makita na umaangat ang Lipa pagdating sa mga private establishments pero wag po nating hayaan na maiwan ang aspeto ng usaping pangkalikasan at pangkalusugan lalo na sa hinaharap.

 

 

About Jeremaiah Opiniano