Umano’y magnanakaw ng manok natagpuang patay sa Lipa

Lungsod ng Lipa, Batangas – Iniimbestigahan pa ngayon ng pulisya ang pagkakalinaln ng isang lalaking umano’y magnanakaw ng manok na natagpuang patay sa Barangay Inosluban dito nitong Biyernes.

Ayon sa report, bandang alas-4:30 ng madaling araw, rumoronda lang ng mga oras na iyon ang sekyu ng San Leo Farm na si Stephen John Argenos nang makita niya ang lalaking naka handusay at wala ng buhay sa di kalayuan sa barracks ng naturang farm.

Inakala niyang taga doon ang lalaki at nagtatrabaho sa naturang farm, kayat itinwag na niya iyon sa himpilan ng pulisya,

Ayon naman sa pag iimbestiga ng pulis, hinihinalang mag nanakaw ng manok ang naturang lalaki dahil sa mga nakitang mga sako sa di kalayuan sa kanyang katawan,

Posibleng namatay umano ang lalaki matapos itong makuryente nang hawakan nito ang nakakabit na live wire sa nasabing lugar.

Dinala na sa Lacorte Funeral Homes ang bangkay ng biktima habang hinihintay pa kung may aangkin nga bang kaanak nito.

 

About Jeremaiah Opiniano