Tricycle driver, patay sa pamamaril sa Nasugbu

Nasugbu, Batangas – Dead on arrival na sa ospital ang isang 42-anyos na tricycle driver matapos na tambangan ng di kilalang suspek sa loob mismo ng kanilang bahay nitong Martes ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Rolando Bucal, residente ng nasabing barangay.

Ayon sa report, bandang alas-8:10 ng gabi, naglalaro lamang ng games sa kanyang tablet ang biktima nang bigla na lang dumating ang di kilalang gunman at pinag babaril ang biktima na tinamaan sa kanang baba at kanang dibdib.

Naisugod pa sa ospital ang biktima pero idineklara na itong patay ng doktor. Mabilis na tumakas naman ang suspek matapos ang pamamaril.  Nakuha naman sa pinangyarihan ang 2 deformed fired bullet ng di pa matukoy na kalibre ng baril. Inaalam pa naman ng mga pulis ang posibleng dahilan ng pagpatay sa biktima.

About JENNA RODRIGUEZA