Tricycle driver na dating sumuko sa Oplan Tokhang, patay sa pamamaril

Lungsod ng Lipa, Batangas – Dead on the spot ang isang tricycle driver matapos na pagbabarilin ng di pa nakikilalang salarin sa Barangay Pusil nitong Miyerkules.

Nasawi sa pamamaril ang biktimang knilalang si Fermin Cabrera.

Sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-2:50 ng hapon, minamaneho lamang ng biktima ang kanyang tricycle sa nasabing kalsada ng mga oras na iyon nang bigla na lang sumulpot ang magkaangkas sa motor na mga suspek at pinagbabaril ang biktima na naging sanhi ng agarang kamatayan.

Nakuha mula sa crime scene ang tatlong basyo ng caliber 45 pistol. Iniimbestigahan pa kung may kinalaman nga ba sa onsehan sa droga ang motibo ng pagpatay lalot napag-alamang dati nang sumuko sa programang Oplan Tokhang ng pulisya ang biktima.

About Jeremaiah Opiniano