Tindero ng isda, sugatan sa pamamaril

Lungsod ng Lipa, Batangas – Agaw buhay pa rin sa ospital ang isang 48-anyos na tindero ng isda matapos na pagbabarilin ng di pa nakikilalang suspek sa may palengke ng Lipa nitong Linggo.

Kinilala ang ibktimang si John Intia, taga-Barangay Balintawak.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Lipa City police, bandang alas 2:45 ng madaling araw, nasa isdaan lang angbiktima ng mga oras na kiyon ng biglang dumating ang di pa nakikilalang suspek at binaril ang biktima na tinamaan sa kaliwang panga nito.

Agad na tumakas ang suspek matapos ang paamamaril habang dinala naman sa ospital ang biktima. Nakuha mula sa pinangyarihan ang dalawang basyo at isang bala ng di pa matukoy na kalibre ng baril.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa suspek at sa motibo ng pamamaril.

About Jeremaiah Opiniano