TESDA admin officer, patay sa saksak sa Taal

Taal, Batangas – Bangkay na nang matagpuan ang isang administration officer ng TESDA sa loob mismo ng kanilang tanggapan sa Barangay Zone 11 ng bayang ito nitong Martes.

 

Kinilala ang biktimang si Marvin Manuba.

 

Tadtad ng saksak sa tiyan at naliligo na sa sariling dugo nang madiskubre ng isang caretaker at barangay officials ang bangkay ng biktima na nakadapa sa sahig maga-alas-9:15 ng gabi ng Martes.

 

Walang kasama ang biktima nang gabing iyon at sa mismong opisina na rin ng Tesda siya natutulog gabi-gabi bilang stay-in.

May lead na ang pulisya sa suspek pero tumanggi na muna silang pangalanan ito habang nagpapatuloy ang kanilang hot pursuit operations laban sa suspek.

 

Patuloy ang imbestigasyon sa suspek at sa motibo sa pagpatay.

About Jeremaiah Opiniano