Tatay, tinamaan ng ligaw na bala sa Lipa City

Lungsod ng Lipa – Sugatan ang isang ama matapos na tamaan ng ligaw na bala sa may Purok Tres, Barangay Balintawak nitong Linggo.

Kinilala ang biktimang si Miguel Cabrera, Jr.

Ayon sa report, dakong alas siyete ng gabi, nakahiga lamang sa loob ng bahay ang biktima nang bigla na lang itong tamaan ng ligaw na bala sa baba ng kanyang dibdib.

Agad namang isinugod sa Lipa Medix Medical Center ang biktima para gamutin ang tinamo nitong sugat habang patuloy na iniimbestigahan ng pulisya kung sino nga ba ang suspek na nagpaputok ng baril na nakatama kay Cabrera nang gabi ring iyon.

About Jeremaiah Opiniano