Dating drug surrenderee, patay sa pamamaril sa Sto. Tomas

Agad binawian ng buhay ang bisor na si Dante Briones sa panibagong insidente ng pamamaril sa Sto. Tomas noong ika-17 ng Enero. (photo courtesy of Sto. Tomas PNP)

Agad binawian ng buhay ang bisor na si Dante Briones sa panibagong insidente ng pamamaril sa Sto. Tomas noong ika-17 ng Enero. (photo courtesy of Sto. Tomas PNP)

Dead on the spot ang isang 45-anyos na dating drug surrenderee matapos na tambangan ng di kilalang suspek sa tapat ng auto repair shop sa Barangay San Miguel, Sto. Tomas, Batangas.

Patay sa pamamaril ang biktimang nakilalang si Dante Briones, taga-Tanauan, Batangas.

Sa inisyal na imbestigasyon, ala-1:30 ng hapon, nakatayo lamang sa tapat ng nasabing repair shop ang biktima nang bigla na lang dumating ang Gray Sedan na kotse at bumaba ang gunman bago pinagbabaril ang biktima na nagging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril. Nabawi mula sa crime scene ang dalawang basyo ng di pa malamang kalibre ng baril, isang metal fragment at dalawang sachet ng hinihinalang shabu.

Onsehan sa droga ang isa sa mga tinitingnang anggulo ng mga otoridad lalo’t napag-alamang dati na palang sumuko sa Oplan Tokhang sa Tanauan City ang biktima.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.

About MARLON ALEXANDER LUISTRO