Sekyu ng SM, natagpuang patay sa damuhan sa Lipa

Lungsod ng Lipa, Batangas – Iniimbestigahan pa ng pulisya kung sino nga ba ang nasa likod ng pagpaslang ng isang 24-anyos na security guard ng SM City Lipa na natagpuang wala nang buhay sa isang damuhan sa Barangay Balintawak nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ang biktiamng si Francisco Fausto, residente ng nasabing barangay.

Pasado alas-6:40 ng umaga nang mamataan ng sekyu ng Maquiling Builders Depot ang biktima na tadtad ng mga tama ng bala sa katawan.

Narekober mula sa crime scene ang apat na basyo ng caliber 45 pistol. Patuloy pang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng tumakas na suspek at ang motibo ng pagpatay.

About JENNA RODRIGUEZA