Sekyu, aksidenteng nabaril ang sarili sa Lipa

Lungsod ng Lipa, Batangas – Sugatan ang 19-anyos na sekyu matapos na aksidenteng mabaril ang sarili sa Barangay Dagatan nitong Martes ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Arjay Alvida, taga-Tanauan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-7:15 ng gabi nang aksidenteng makalabit ng biktima ang gatilyo ng kanyang service firearm caliber 38 revolver at tinamaan siya sa kaliwang bukong-bukong.

Sa puntong iyon ay nataranta ang biktima at dali daling nagmaneho ng motor papuntang CP Reyes Hospital sa Tanauan para ipagamot ang sarili.

Bago umalis ay nakapagsulat pa ang biktima sa log book ng guard house ng mga katagang, “SIR HND KO NAPANSIN NAKAHAMMER ANG BAREL PUMUTOK.”

Nabawi mula sa crime scene ang caliber 38 revolver ng biktima na may apat na bala at isang deformed fired bullet.

About JENNA RODRIGUEZA