Rider ng motorsiklo, patay matapos bumangga sa poste sa Lipa

Tumilapon sa may gilid ng highway ang rider na si Jimmy Bautista, Jr. matapos sumalpok ang motor sa poste.  [Larawan mula sa Lipa PNP]

Tumilapon sa may gilid ng highway ang rider na si Jimmy Bautista, Jr. matapos sumalpok ang motor sa poste.
[Larawan mula sa Lipa PNP]

Lungsod ng Lipa, Batangas –

Isa na namang rider ng motorsiklo ang patay matapos na sumalpok sa poste sa may national highway, Barangay Sico, Lipa, Batangas nitong Martes ng gabi.

Nangyari ang aksidente isang araw matapos na masawi sa aksidente sa motor ang magkasintahang Jerrick Miranda at Bermida Germino na bumangga rin sa isa pang poste sa nasabing highway.

Dead on the arrival sa ospital ang biktimang nakilalang si Jimmy Bautista, Jr. taga Purok 5, Paninsingin, Barangay Tambo.

Sa inisyal na imbestigasyon, binabagtas lamang ng biktima ang naturang kalsada sakay ng minamanehong Rusi Motorcycle papuntang Lipa City Proper pasado alas-11:15 ng gabi nang bigla na lang umanong mawalan ng kontrol ang driver pagdaan sa kurbadang bahagi ng highway at diretsong sumalpok sa poste.

Sa lakas ng impact ay tumilapon sa kalsada ang biktima  na nagtamo ng mga sugat sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan. Naisugod pa sa Lipa City District Hospital ang biktima subalit idineklara na itong dead on arrival.

 

About Jeremaiah Opiniano