Rider ng motor, patay; 1 pa sugatan sa aksidente sa Lipa

Isang rider ng motorsiklo ang patay habang sugatan naman ang kanyang angkas matapos na sumemplng sa gutter ang sinasakyan nilang motor sa Barangay Sampaguita nitong Miyerkules.

Kinilala ang nasawing biktimang si Marlon Miranda ng Pinagtung-ulan, San Jose, Batangas habang sugatan naman ang angkas nitong si Rajel Amol na taga-Rosario, Batangas

Batay sa report, binabagtas lamang ng motor ang kalsada ng Barangay Sampaguita nang bigla na lang umanong mawalan ng kontrol ang driver dahilan para sumadsad sa gutter ang motor at tumilapon ang dalawang sakay nito.

Nagtamo ng iba’t-ibang injuries sa katawan ang mga biktima na siyang ikinasawi ni Miranda habang nagpapagaling naman sa tinamong mga sugat si Amol.

About Jeremaiah Opiniano