Rape suspek, arestado sa Lipa

Lungsod ng Lipa, Batangas – Diretso sa kulungan ang 27-anyos na suspek na si   Marcelino Corpuz matapos siyang ireklamong nanggahasa ng 11-anyos na batang babae sa Barangay Marawoy nitong Martes.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Lipa City Police, pasado alas 10 ng gabi, natutulog lang ang biktima at kanyang kapatid sa sala ng kanilang bahay nang maramdaman niyang may lalaking nakapangibabaw at nanghihipo sa kanyang maselang bahagi ng katawan.
Sapilitan umanong hinubaran ng suspek ang bata kaya’t nagpumiglas ito hanggang sa makawala. Sa puntong iyon ay doon na naisipang tumakas ng suspek.
Matapos ang insidente ay lakas-loob na nagsumbong sa lola at ina ang bata at ang kanyang kapatid. Agad namang naaresto ng rumespondeng mga tanod ang naturang suspek.
Nakakulong na ngayon sa Lipa City Police Station ang suspek at nahaharap sa kasong rape. Tumangging magpaunlak sa panayam ang suspek kaugnay ng nasabing insidente.
About Jeremaiah Opiniano