Rape suspect, arestado sa Tanauan

Lungsod ng Tanauan, Batangas – Sa kulungan ang bagsak ng suspek na si Emilio Marquez na wanted sa kasong rape matapos na arestuhin ng pulisya sa kalapit na bayan ng Sto. Tomas nitong Martes.

Pasado alas-10:30 ng umaga nang arestuhin ng pulisya ang suspek sa Barangay San Vicente sa bisa na rin ng warrant of arrest pra sa kasong rape.

Si Marquez ay inakusahang nanggahasa sa biktimang si alyas “Dina” noong ika-28 ng Pebrero 2017. Nakakulong na sa Tanauan Police Station ang suspek.

About JENNA RODRIGUEZA