Pulis, patay sa pamamaril sa Tanauan

Lungsod ng Tanauan, Batangas – Dead on the spot ang isang pulis matapos na pagbabarilin ng di pa nakikilalang salarin sa Barangay Pagaspas ng lungsod na ito nitong Miyerkules.

Kinilala ang biktimang si P03 Eric Lindo.

Batay sa report, tinatahak lamang ng biktima ang kalsada sa nasabing barangay lulan ng minamanehong Mitsubishi Lancer (Plate no. PLR 758) nang bigla na lang siyang pagbabarilin ng nakabonnet at nakaitim na suot na suspek na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Matapos ang pamamaril ay tumakas ang mga suspek tangay ang serive firearm ng biktima.

Narekorber mula sa crime scene ang 29 na basyo ng di pa matukoy na kalibre ng baril at dalawang sachet ng hinihinalang shabu.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

About JENNA RODRIGUEZA