Production manager, nabiktima ng basag kotse sa Lipa

Lungsod ng Lipa, Batangas – Isang production manager naman ang nabiktima ng basag kotse sa isang bar sa Barangay Balintawak nitong Martes ng gabi.

Ayon sa report ng pulisya, pasado alas-siyete y medya ng gabi nang iparada lamang ng biktimang si Natalio De Leon, J. ang kanyang sasakyang Toyota Corolla Altis na may plate number AAW-8119 sa isang bar nang makalipas lamang ang ilang saglit ay nilapitan na siya ng bouncer at sinabing basag na ang bintana ng kanyang sasakyan.

Tiningnan niya ang loob ng sasakyan at doon niya napag-alamang nawawala na pala ang kanyang Lenovo laptop na nagkakahalagang P50,000 na pinaniniwalaang tinangay ng mga magnanakaw. Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang pagkakakilanlan
ng tumakas na suspek.

About JENNA RODRIGUEZA