Patok na paborita ng isang panaderya sa Lipa

 

 

BRGY. TIBIG, LUNGSOD NG LIPA—Naalala ko noon, ani Jailel Fadullo. Boy ako sa isang gasolinahan, at 17 anyos.

Ang Fadullo's Special Paborita mulsa Brgy. Tibig (kuha ni Arvel Malubag / The Filipino Connection)

Ang Fadullo’s Special Paborita mulsa Brgy. Tibig (kuha ni Arvel Malubag / The Filipino Connection)

Iyon nga ang nangyari: salamat sa isang biskwit na sikreto ang pagkakatimpla, umariba ang isang panaderya rito at naging paborito ng mga kustomer ang tinapay nilang paborita.

 

Matapos ang dalawang taon, nakikuntsaba si Fadullo sa mga pinsan nito: Mamuhunan tayo at ituloy natin yung operasyon ng nasarang panaderya sa Brgy. Pangano. Paano ba naman eh marurunong gumawa ng tinapay ang mga naturang pinsan.

 

“Kumita ang aming bakery,” wika ni Fadullo, “hanggang nabili na naming sa may-ari ang mga kagamitan niya (sa paggawa ng tinapay).”

 

Sumunod naming pumasok kay Fadullo ang mas malakas na loob. Noon 2008. Kasama ang kabiyak na si Irene, nagtayo ang mag-asawang Fadullo ng sarili nitong panaderya sa Brgy. Tibig.

 

Ang kapital? P30,000. Ang nagluluto? Silang mag-asawa.

 

Ang mag-asawang Irene at Jailel Fadullo (kuha ni Arvel Malubag / The Filipino Connection)

Ang mag-asawang Irene at Jailel Fadullo (kuha ni Arvel Malubag / The Filipino Connection)

Noong una, tila malalambot ang mga tinapay nla at nagrarasyo sila sa mga bahay-bahay sa barangay ng pandesal at monay. Pero bunsod ng pagtatayo ns isa pang panaderya sa barangay, humina ang kita ng malalambot na tinapay ng mga Fadullo.

 

Sa pagkakataong ito nakaisip ng panapat ang mga Fadullo: ang tinapay na paborita, isang malutong na lokal na biskwit sa Batangas. Pagkaluto ng mga paborita, nag-dedeliver ang panaderya ng mga Fadullo sa mga maliliit na tindahan sa Tibig at sa mga karatig-barangay. Dumami ang mga order ng paborita.

 

Bunsod ng paglago, nagkaraoon ng dagdag puhunan ang mga Fadullo para palakihin pa ang kanilang panaderya sa pamamagitan ng karadagang pugon at pagdagdag ng maraming sangkap para sa paborita.

 

Sa gitna ng paglago bunsod ng paborita, naloko ang mga Fadullo ng kanilang supplier ng harina. Sila ay nag-imbak ng saku-sakong harina at huli na ng kanilang nalaman na bulok o hindi na mapapakinabangan sa pagmamasa ang karamihan sa mga ito.

 

Nabaon sila sa utang. Pero sige pa rin sa paggawa ng paborita ang mga Fadullo. Nakabawi na naman sila.

 

Mula sa sikretong timpla at sangkap, ganito na ang paglago ng paborita ng mga Fadullo (kuha ni Arvel Malubag / The Filipino Connection)

Mula sa sikretong timpla at sangkap, ganito na ang paglago ng paborita ng mga Fadullo (kuha ni Arvel Malubag / The Filipino Connection)

At akalain mong nakapagpundar pa sila ng sariling bahay at sasakyan at panaderya —sa Brgy. Lodlod— ang mga Fadullo, mula sa paborita?

 

Ang isang supot ng paborita ay may sampung pirasong paborita at ang bawat supot ay P5 hanggang P6. Ang paborita aniya ay masarap ang lasa at bagay sa kape.

 

Tinatayang nasa 200 bundle o nasa 2 libong supot ng paborita ang idine-deliver nila sa magkakaibang  araw sa mga pamilihan sa mga Lungsod ng Lipa, Tanauan at Batangas, pati sa mga bayan ng Cuenca at Lemery. Umabot na rin ang paborita sa pati sa bayan ng San Mateo, probinsya ng Rizal; sa bayan ng Alaminos at a Lungsod ng Calamba sa Laguna; at sa Lungsod ng Tagaytay sa Cavite.

 

Nananatiling lihim ang timpla ng paborita ng mag-asawang Fadullo, Basta, ayon kay Jailel, “tamang proseso at temperatura ng apoy sa pagluluto nito ang isa sa mga sikreto.”

Ang Fadullo's Special Paborita (kuha ni Arvel Malubag / The Filipino Connection)

Ang Fadullo’s Special Paborita (kuha ni Arvel Malubag / The Filipino Connection)

Pakay rin ng mag-asawang Fadullo na pag-ibayuhin pa ang packaging ng kanilang produkto. Naisin rin ng mag-asawa na sila’y matulungan ng pamahalaan at ng ilang malalaking supermarket na ang kanilang paborita ay puwedeng pampasalubong at, kung possible, umabot sa ibang bansa.

 

Hindi na rin masama ang mga pangarap mula sa isang dating boy sa gasolinahan.

 

 

 

 

 

 

 

 

This article can be published, broadcast and/or posted online provided The Filipino Connection and the article’s author/s are properly acknowledged. Editorial mistakes are the publisher’s. Email: thefilipino.connection@gmail.com.

About ARVEL MALUBAG