OFW nalunod sa Lobo

Lobo, Batangas – Patay ang 37-anyos na balikbayan Overseas Filipino Worker (OFW) matapos na malunod sa may karagatan ng Barangay Fabrica sa bayang ito nitong Martes.

Kinialla ang biktimang si Elmer De los Reyes.

Wala nagn buhay ang biktima nang nadiskubre ang bangkay nito bandang alas-6:45 ng umaga sa tabing-agat ng nasabing barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulis ay bandang alas-5 ng gabi noong Lunes nang umalis umano ang biktima noong Lunes para mangisda pero hindi na umuwi pa hanggang sa nakita na nga lamang ang bangkay nito sa nasabing pampang.

Patuloy namang pinaghahanap ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard at Bantay Dagat ng Lobo ang 14-anyos na binatilyong si Jomar Florindo na kasamahan ng biktima at pinaniniwalaan ding nalunod nang araw ding iyon.

About JENNA RODRIGUEZA