OFW mula sa Lipa, naholdap

 

 

LUNGSOD NG LIPA–Isang overseas Filipino worker na nagbabakasyon dito sa Lipa ang nasguatan matapos siyang maholdap ng pera at mga kagamitan na ang halaga at higit-P400,000.

Ang biktima na si Mary Grace Caraig, 33, ng Brgy. Mabini ay hinarang ng mga armadong lalaking naka-motorsiklo at tinutukan ng di pa malamang kalibre ng baril

Kinuha ng mga lalaki ang bag ni Caraig na naglalaman ng passport, mga ID, ATM at credit cards, cellphone at pera na nagkakahalaga ng P383,000.

Kasama ni Caraig ang mga anak na sina Lea and Adrea nung mangyari ang holdap noong lunes (ika-12 ng Disyembre) pasado-alas 6 ng gabi.

Kakatapos lang umano mag-withdraw ng P365,000 si Caraig sa Banco de Oro branch sa loob ng Robinson’s Mall.

Nagtamo ng injury sa ulo ang biktima na agad dinala sa Lipa City District Hospital para sa agarang lunas.

 

About Jeremaiah Opiniano