Nurse, ninakawan ng cellphone sa Balayan

Balayan, Batangas – Isang 30-anyos na nurse ang nabiktima ng snatcher sa Barangay Lanatan, Balayan, batangas nitong Martes.

Ayon sa report, bandang alas-7:35 ng gabi, papatawid lamang ang biktima ng mga oras na iyon sa nabanggit na barangay nang bigla na ang hablutin ng suspek na si Alvin Patulot ang kanyang Iphone 7 bago tumakas. Sakay ng motor noona ng suspek at dalawa pa niyang kasamahan.

Nirereview na ng pulisya ang CCTV para sa posibleng pagkakakilanan ng mga tumakas na suspek.

About JENNA RODRIGUEZA