No. 5 Most Wanted ng Rosario, arestado

Rosario, Batangas –  Matapos ang halos limang taong pagtatago ay napasakamay na rin ng pulisya ang ikalimang most wanted na suspek ng bayang ito na si Edgardo Villena.

Ala-1:10 ng hapon noong Martes nang arestuhin ng mga tauhan ng Rosario police ang suspek sa Barangay Poblacion sa bisa na rin ng warrant of arrest para sa kasong attempted murder.

Si Villena ay inakusahan ng tangkang pagpatay sa biktimang si Joey Dunca na sinaksak nito sa dibdib noong ika-6 ng Hunyo 2011.

Nakakulong na sa himpilan ng pulisya ang nasabing suspek.

About Jeremaiah Opiniano