No. 3 drug personality ng Balayan, patay sa pamamaril

Balayan, Batangas – Dead on the spot ang isang 59-anyos na babaeng pangatlo sa drug watchlist ng bayang ito matapos na tambangan ng di pa nakikilalang suspek sa Barangay District 4 ng bayang ito nitong Lunes.

Ayon sa report, dakong alas-9:30 ng gabi, nakatayo lamang ang biktimang si Elizabeth Perez sa labas ng bahay ng kanyang kapatid nang bigla na lang dumating ang di pa nakikilalang suspek at binaril ang biktima sa ulo nito gamit ang kalibre 38 na baril na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Inaalam pa naman ng mga pulis kung sino ang posibleng pumatay sa biktima.

About JENNA RODRIGUEZA