Negosyanteng kabilang sa high value target, patay sa pamamaril

Sto. Tomas, Batangas – Patay ang isang 56-anyos na negosyante na kabilang sa high value target matapos na tambangan ng di pa nakikilalang suspek sa Barangay San Miguel nitong Lunes.

Kinilala ang biktimang si Cesar Chavez.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, pasado alas-11 ng umaga, tinatahak lamang ng biktima at ng kanyang anak na babae ang lulan ng minamanehong Honda Civic na kotse ang biktima kasama ang kanyang anka na babae nang bigla na lang siyang tambangan ng dalawang di kilalang suspek.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang biktima na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan. MAbilis na tumakas naman ang mga suspek papunta sa direksyon ng San Pablo, Laguna lulan ng Isuzu Crosswind na di naplakahan.

Onsehan sa droga ang isa sa mga tinitingnang anggulo ng pulisya sa pamamaril lalo’t napag alamang dati na itong nakulong sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at illegal possession of firearms. Kabilang din siya sa high value target ng Sto. Tomas police.

Nakuha mula sa crime scene ang limang basyo ng caliber 5.56 at 20 basyo ng caliber 45 pistol.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

About JENNA RODRIGUEZA