Negosyante, sugatan sa pamamaril sa Lipa

Lungsod ng Lipa, Batangas – Nagpapagaling pa rin ang 26-anyos na negosyanteng nasugatan matapos na barilin ng riding-in-tandem sa Barangay Sabang nitong Lunes ng hapon.

Ayon sa report, bandang alas-3 ng hapon, kukunin lamang ng biktimang si Shielan Crisel Dimaano ang comforter mula sa kanyang sasakyang Mistubishi Mirage para palabhan sa isang laundry shop nang bigla na lang dumating ang gunman at binaril ito.

Mabilis na tumakas ang suspek at ang kasamahan nito lulan ng motorsiklo.

Agad namang dinala sa pagamutan ang biktima na ngayo’y nagpapagaling sa tinamo niyang sugat sa kanang siko. Patuloy ang imbestigasyon sa suspek at sa motibo ng pamamaril.

About JENNA RODRIGUEZA