Negosyante, patay sa ambush sa Lipa

Lungsod ng Lipa, Batangas – Sa ospital na binawian ng buhay ang biktiman si Elbert de Asis na pinagbabaril ng di pa nakikilalang suspek sa Barangay Antipolo del Norte nitong Lunes.

Ayon sa report, nakaupo lang sa loob ng bahay ang biktima at kinakausap niya ang tiyuhin pasado alas-12 ng tanghali kahapon nang bigla nalang dumating ang di pa nakikilalang gunman at pinag babaril ang biktima sa ibat ibang parte ng katawan nito.

Mabilis na tumakas ang suspek patungo sa direksyon ng bayan ng Padre Garcia. Dinala pa sa ospital ang biktima subalit pumanaw na rin ito habang ginagamot ng doktor. Nabawi mula sa pinangyarihan ng insidente ang 7 basyo ng bala ng di nabanggit na kalibre ng baril.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pagkakakilanlan ng suspek at ang motibo ng pamamaril.

About Jeremaiah Opiniano