Negosyante, patay sa ambush sa Lipa

Lungsod ng Lipa, Batangas – Dead on the spot ang isang 56-anyos na negosyante matapos na tambangan ng di pa nakikilalang salarin sa loob mismo ng kanyang pagmamay-aring meatshop sa Barangay Marawoy, Lipa, Batangas nitong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ang biktimang si Noel Olan, kapatid ng kasalukuyang kapitan Melchor Olan.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-4:45 ng gabi, abala ang biktima sa pagbabantay sa kanyang meatshop nang bigla na lang dumating ang dalawang suspek at pinagbabaril ng gunman ang biktima sa ulo na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Mabilis na tumakbong palayo naman ang dalawang suspek matapos ang pamamaril.

Nabawi mula sa crime scene ang tatlong basyo ng caliber 45 pistol. Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng dalawang tumakas na suspek at ang motibo sa pagpatay.

About JENNA RODRIGUEZA