Negosyante, agaw-buhay; 1 pa sugatan sa pananaga sa Lipa

Lungsod ng Lipa, Batangas – Agaw-buhay pa rin sa ospital ang isang 62-anyso na negosyante, habang sugatan naman ang isa pang  biktima matapos na pagtatagain ng nakainom na suspek sa Barangay Marawoy nitong Huwebes.

Kinilala ang biktimang si Samuel Dacanay, na ngayo’y nasa kritikal na lagay habang sugatan din ang isa pang biktimang kinilalang si Yolanda Dacanay.

Batay sa report ng pulisya, dakong alas-8:30 ng gabi, kapwa lango sa alak ang biktima at ang suspek na si Tedd Dacanay at habang nag aayos ng TV ang huli ay pinasabihan umano niya na itigil ang kanyang ginagawa kaya’t nagalit umano ang suspek at pinagtataga si Samuel sa kanyang leeg at ibang parte ng katawan habang nadamay din sa pananakit ng suspek ang isa pang biktima na si Yolanda Dacanay na nooy umaawat lang sa dalawa.

Agad na dinala sa pagamutan ang mga biktima, ngunit nasa kritikal na kundisyon pa din si Samuel. Agad namang nadakip sa follow-up operation ng pulisya ang suspek, na ngayo’y nakakulong na sa Lipa City police station at nahaharap sa patong patong na reklamo.

About JENNA RODRIGUEZA