Murder suspect, arestado

Nasugbu, Batangas – Sa kulungan ang bagsak ng suspek si Abuelo Combo, matapos na arestuhin ng mga pulis sa Barangay Talangan ng bayang ito nitong Linggo.

Si Abuelo ay wanted sa kasong murder at inakusahang pumatay sa mag-asawang Bayot sa Amadeo, Cavite ilang taon na ang nakalilipas.

Pasado alas-12:21 ng hapon nang arestuhin ng mga pulis ang suspek sa bisa na rin ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Jaime Santiago ng Tagaytay City RTC Branch 18.

Nakakulong na sa Nasugbu police station ang suspek.PNP.

About Jeremaiah Opiniano