Motorcycle rider, patay matapos mahit and run sa Rosario

Rosario, Batangas – Isang motorcycle rider ang patay matapos na mahit and run ng isang truck sa Barangay Natu, Rosario, Batangas nitong Huwebes.

Kinilala ang biktimang si Christian Pol Gozon, taga-Barangay San Carlos.

Batay sa report, bandang alas-4 ng madaling araw nitong Huwebes, tinatahak lamang ng biktima ang nasabing kalsada papuntang Rosario town proper nang bigla na lang siyang binangga at kinaladkad ng truck na nasa likod niya ng mga oras na iyon.

Sa lakas ng impact ay nagdagasa sa kalsada ang biktima na nagtamo ng sugat sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan. Habang mabilis na tumakas naman ang nakabanggagn driver ng truck na nakilalang si Angelito Lucido.

Dinala pa sa Christ the Savior Hospital sa Rosario ang biktima subalit idineklara na itong dead on arrival ng doctor.

Tatlong araw ding naiwang nakalagak sa punerarya ang bangkay ng biktima dahil walang nakakakilala dito. Bago ito inangkin ng pamilya kahapon nang mabalitaan nilang nadisgrasya na pala si Christian na matagal na nilang pinaghahanap.

Nangako naman ang may ari ng truck na tutulong sa gastusin sa pagpapalibing ng biktima.

About JENNA RODRIGUEZA