Most Wanted Drug Personality ng Lipa, arestado

Lungsod ng Lipa, Batangas. – Sa kulungan ang bagsak ng numero unong drug personality ng lungsod na ito na si Ricardo Aquino matapos na maaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Bagong Pook nitong Lunes.

Ayon sa report ng pulisya, bandang alas-9:15 ng gabi nang ikasa tropa ng pulisya ang operasyon kung saan nagpanggap na buyer ng droga ang isang pulis. Iniabot ng pulis sa suspek ang P500 kapalit ng binibiling shabu at nang magkaabutan na ay doon na nagpakilalang alagad ng batas ang naturang pulis at dinakip ang suspek.

Nakakulong na sa Lipa City police station ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

About Jeremaiah Opiniano