Minor de edad, ginahasa ng tricycle driver sa Lipa

Lungsod ng Lipa, Batangas – Kalunos-lunos ang sinapit ng 13 –taong-gulang na biktimang lalaki na di umano’y ginahasa ng tricycle driver sa Barangay Pinagkawitan.

Batay sa pahayag ng biktimang si “JC” (di tunay na pangalan), pasado alas-7 ng gabi noong ika-6 ng Agosto nang utusan umano siya ng suspek na si Jose Salazar, 45, na mag-igib ng isang timbang tubig.

Pero pagkadala ng binatilyo ng tubig ay bigla nalang umanong  sinarhan ng suspek ang pinto ng banyo, at hinalay siya nito.

Ayon pa sa biktima, hindi lang umano iyon ang unang beses na minolestiya siya ng suspek dahil paulit-ulit na raw siyang ginahasa nito mula pa noong Hulyo.

Hindi na niya natiis ni JC ang pang-aabusong sekswal kaya’t nagsumbong na siya sa kanyang mga magulang. Kahapon pormal na nga silang nag  sampan g kasong rape sa ngayoy nag tatagong suspek.

About Jeremaiah Opiniano