Mayor ng Balete, Batangas, patay sa pamamaril

Balete, Batangas – Patay ang Mayor ng Balete, Batangas na si Leovino Hidalgo matapos na pagbabarilin ng di pa nakikilalang suspek sa may basketball court sa nasabing bayan kaninang umaga.

 

Ayon sa report ng pulisya, dakong alas-10:30 ng umaga, nanonood lamang ang biktima ng isang liga ng basketball nang bigla na lang siyang barilin sa ulo ng di kilalang suspek. Agad na tumakas ang mga salarin sakay ng puting van.

 

Naisugod pa sa Metro Lipa Medical Center ang biktima pero idineklara siyang dead on arrival ng doktor. Nabawi mula sa crime scene ang isang basyo ng M16 rifle.

 

Bubuo ng special investigation task group ang Batangas provincial police para maresolba ang kasong pagpatay kay Hidalgo.

 

 

About JENNA RODRIGUEZA