Mas kumita, nakatipid ang pamahalaang lungsod noong 2016

 

LUNGSOD NG LIPA—Mas mataas ang kinita ng pamahalaang lungsod noong taong 2016 maliban sa mas tumipid sila ng mga P7 milyon sa gastusin.

Ito ay ayon sa 2016 Audit Report ng Commission on Audit sa lungsod.

Nagsuma ng P1,458,414,286.04 ang kabuuang kinita (revenue) ng pamahalang lungsod noong 2016. Mas mataas ito ng mga P100 milyon seal_batangas_lipacitykumpara sa taong 2015 na kita.

Sa pangangalap ng kita ng mga lokal na pamahalaan, mas tinitingnan ang kita mula sa loob ng teritoryo mismo sa pamamigtan ng iba’t-ibang lokal na buwis at mga negosyo na pinasisinayaan ng lokal na pamahalaan.

At noong 2016, kumita ang lungsod ng P604,226,240.48 na tax revenue kumpara sa P548,247,937.85 na kinita mula sa lokal na pagbubuwis noong taong 2015.

Ang tinatawag namang internal revenue allotment (IRA) ay ang natatanggap ng mga lokal na pamahalaan mula sa pambansang buwis. Palagian itong tumataas taun-taon, tulad ng P669,747,769 noong 2016 para sa Lungsod ng Lipa (kumpara sa P611,975,258 noong 2015).

Noong 2016, gumasta ang Lipa ng kabuuang P1,175,859,258.85 na mas mababa ng mga P7,193,103.13 sa kabuuang gastos noong 2015. Tumaas rin ang net revenue ng lungsod ng mga P80,735,042.82 base sa natira noong 2016 kumpara sa 2015.

Matatandaang nahalal muli bilang punong-bayan ng Lungsod ng Lipa si Meynard Sabili para sa ikatlo at huling termino noong Mayo 2016 na halalan.

 

Table: Kita at gastos ng pamahalaang lungsod

 

2016

2015

Revenue, total

1,458,414,286.04

1,357,283,047.33

·         Tax Revenue

604,226,240.48

548,247,937.85

·         Share from internal revenue collections

669,747,769.00

611,975,258.00

·         Service and business income

182,451,565.22

193,818,342.90

·         Share, grants and donations

1,988,711.34

3,241,508.58

Current operating expenses

1,175,859,258.85

1,183,052,361.98

Surplus (Deficit) for the remaining period (including transfers, assistance and subsidies from and to)

282,648,198.95

201,913,156.13

Pinanggalingan ng datos: 2016 Annual Audit Report of Lipa City, Commission on Audit

 

 

This article can be published, broadcast and/or posted online provided The Filipino Connection and the article’s author/s are properly acknowledged. Editorial mistakes are the publisher’s. Email: thefilipino.connection@gmail.com.

 

 

About Jeremaiah Opiniano