Magpapataya ng STL, patay sa ambush sa Taal

Taal, Batangas – Patay ang isang 45-anyos na magpapataya ng STL matapos na pagbabarilin ng di pa nakikilalang suspek sa Barangay Tatlong Maria nitong Sabado.

Kinilala ang biktimang si Francisco Brosoto, residente ng naturang barangay.

Ayon sa report,  pasado alas 10:30 ng umaga, papasakay palang ng mga oras na iyon ang biktima sa kanyang motor ng bigla nalang dumating ang di pa nakikilalang suspek at pinag babaril ang biktima.

Agad namang isinugod ang biktima sa ospital pero idineklara na itong dead on arrival.

Mabilis namang tumakas ang suspek matapos ang insidente.

Nakuha mula sa pinangyarihan ng krimen ang dalawang basyo at isang slug ng kalibre 45 baril. Inaalam pa ng mga pulis ang posibleng dahilan ng pagpatay sa biktima.

About Jeremaiah Opiniano