Mag-asawa inambush sa Tanauan City; 1 patay

Lungsod ng Tanauan, Batangas – Isa ang patay habang isa naman ang nasugatan matapos na pagbabarilin ng di pa nakikilalang suspek sa may JP Laurel Highway, Barangay 2 ng lungsod na ito nitong Lunes.

Dead on the spot ang biktimang si Florencio Llamado habang sugatan at nagpapagaling pa rin sa ospital ang kanyang misis na si Cherellyn Llamado.

Ayon sa report, pasado alas-12:10 ng hapon, tinatahak lamang ng mga biktima ang kahabaan ng nasabing highway  patungo sa direksyon ng Maynila lulan ng Hyundai Sedan na minamaneho ni Florencio nang bigla na lang silang tambangan ng di kilalang mga suspek.

Patay na nang isugod sa ospital si Florencio habang nagpapagaling naman sa mga tinamong sugat si Cherellyn.

Nakuha naman mula sa pinangyarihan ng insidente ang tatlong basyo at isang bala ng di pa matukoy na calibre ng baril, pera at mga alahas na pagmamay-ari ng mga biktima. Patuloy ang imbestigasyon sa suspek at sa motibo ng pamamaril.

About Jeremaiah Opiniano