Lolo, sinaksak sa tiyan ng anak

Lungsod ng Lipa, Batangas – Naka-confine pa rin sa ospital ang 70-anyos na lolong si Adelio Manlupas na nasugatan makaraang pagsaksaksakin ng kanyang sariling anak na lalaki sa Barangay Sabang nitong Biyernes.

Ayon sa report ng mga pulis, nanonood lang ng tv ang biktima sa loob ng kanilang  bahay sa bandang alas 2:30 ng hapon nang bigla na lang umanong siyang sinaksak sa tiyan ng anak at suspek na si Rolicio Manlupas.

Agad na dinala sa ospital ang biktima habang nadakip naman ng pulisya ang suspek na di umano’y may diperensya pala sa pag iisip.

lights festival

About Jeremaiah Opiniano