Lolo, natagpuang patay sa Rosario

Rosario, Batangas – Bangkay na nang matagpuan sa kanilang tahanan ang 65-anyos na lolo sa Barangay Itlugan ng bayang ito nitong Linggo ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Felixberto Montes.

Ayon sa report ng pulisya, bandang alas-9:30 ng umaga nang dumating sa nasabing tahanan ang anak nitong si Angelo Jesus Montes at ang misis na si Kristine pero napansin nila ang mabahong amoy at nang kanilang tingnan ay nakita na tumambad sa kanila ang biktima na wala ng buhay at naaagnas na.

Huli umanong naka usap ni Angelo ang ama ay noong November 2017 pa. Dinala naman ang mga labi ng biktima sa Crismar Funeral homes para sa autopsy examination para alamin ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.

About JENNA RODRIGUEZA