Lolo, nasagasaan ng motor sa San Jose

San Jose, Batangas – Sugatan ang lolong si Fidel Perez matapos na masagasaan ng motorsiklo habang tumattawid sa Barangay Dagatan ng bayang ito nitong Linggo.

Ayon sa report, bandang alas-7 ng gabi, binabagtas lang ng driver ng motor at suspek na si Dany Penero ang naturang kalsada sakay ng minamaneho nitong motor nang masagasaan nito ang biktima na noo’y papatawid. Kapwa dinala naman sa ospital ang suspek at ang biktima na parehong nasugatan sa aksidente.

Napag-alamang nakainom pala ang driver ng gabing maganap ang aksidente. Nagpapagaling pa rin sa ospital ang biktima habang nakakulong na sa San Jose Police Station ang suspek na nahaharap sa kasong Serious Physical Injury.

About Jeremaiah Opiniano