Lipa City Hall, binulabog ng bomb threat

Lungsod ng Lipa, Batangas – Pansamantalang natigil ang transaksyon sa Lipa City Hall makaraang makatanggap ng banta ng pagsabog ng bomba sa nasabing gusali nitong Biyernes ng umaga.

Ayon sa report, bandang alas-8:40 ng umaga nang makatanggap ng tawag ang empleyadong si Dante Recto mula sa di kilalang caller na di umanoy may sasabog na bomba sa city hall.

Kaya’t bilang pag-iingat ay dali dali niyang ipinagbigay alam sa mga otoridad ang nasabing insidente.

Masuwerteng wala namang nakitang bomba sa city hall at nanumbalik sa normal ang operasyon kinahapunan ding iyon.

About JENNA RODRIGUEZA