Lalaki, tinambangan sa Lian

Lian, Batangas – Dead on the spot ang isang lalaki matapos na pagbabarilin ng di pa nakikilalang suspek sa Barangay Matabungkay.

Patay sa pamamaril ang biktimang nakilalalang si Julius Gayos.

Ayon sa report ng Lian police, nakaupo lamang sa kanyang nakaparadang tricycle ang biktima pasado alas-9:50 ng umaga nitong Martes nang bigla na lang sumulpot ang gunman na naka-dilaw na t-shirt at itim na sumbrero at tsaka pinagbabaril ang biktima.

Agad na nasawi ang biktima na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa ulo at isa sa kanyang kaliwang braso. Naglakad naman palayo ang suspek patungo sa may Sitio Altura ng nasabing barangay matapos ang pamamaril.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek at ang motibo sa krimen.

About Jeremaiah Opiniano