Lalaki, sinaksak ng kainuman

Lungsod ng Lipa, Batangas – Sugatan ang isang 31-anyos na lalaki matapos na pagsasaksakin ng kanyang kainuman sa Barangay Tangob kagabi.
Kinilala ang biktimang si Jason Castillo.

Ayon sa report, nag iinuman lang umano ang biktima at ang suspek na si alyas Berting pasado alas-11 ng gabi nitong Miyerkules nang bigla na lang umanong magkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa nang sitahin ng suspek si Jason sa umano’y pagpapaputok nito ng baril.

Sa gitna ng pagtatalo ay sinaksak umano ng suspek ang biktima sa kanyang tiyan.

Agad namang isinugod sa ospital ang biktimang si Jason para mabigyan ng karampatang lunas habang tinutugis pa ng pulisya ang suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

About Jeremaiah Opiniano