Lalaki, sinaksak ng kainuman sa Lipa

Lungsod ng Lipa, Batangas – Nasa ospital pa rin ang 22-anyos na lalaki na nasugatan matapos na saksakin ng kanyang kainuman sa Barangay Anilao nitong Linggo.

Kinilala ang biktimang si Alvin de Ocampo.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-11 ng gabi, nag-iinuman lamang ang biktima at ang 17-anyos na lalaking suspek nang magkaroon ng mainitang pag tatalo sa pagitan ng dalawa na naging sanhi ng pananaksak ng suspek.

Agad na dinala sa pagamutan ang biktima, habang nakakulong naman sa Lipa City police station ang menor na suspek.

About JENNA RODRIGUEZA