Lalaki patay sa pananaga ng kainuman sa Balayan

Balayan, Batangas – Patay ang isang lalaki matapos na pagtatagain ng kanyang kainuman sa Barangay Gimalas ng bayang ito nitong Huwebes.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktimang si Vivicencio Sapaquiña.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Balayan Police, dakong alas-3 ng hapon, nag-iinuman lamang ang biktima at ang suspek na si Jomar Villamor sa bahay ni Jomar nang bigla na lang umanong magkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa.

Sa puntong iyon ay bumunot na ng patalim ang suspek at pinagtataga ng makailang ulit ang biktima na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Tinutugis na ng pulisya ang suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

About Jeremaiah Opiniano