Lalaki, patay sa pamamaril sa inuman sa San Juan

San Juan, Batangas – Dead on arrival na sa ospital ang isang 42-anyos na lalaki matapos na barilin sa tapat mismo ng kanyang bahay sa Barangay Poctol ng bayang ito nitong Linggo ng gabi.

Ayon sa report ng pulisya, dakong alas-7:30 ng gabi, nag-iinom lang ang biktimang si Joseph Apusaga sa harap ng kanilang bahay nang bigla na lang dumating ang di kilalang gunman dahilan para mawalan ito ng malay.

Patay na nang isugod sa ospital ang biktima na nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan.

Tinutugis na ng pulisya ang suspek na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa suspek at sa motibo ng pagpaslang.

About JENNA RODRIGUEZA