Lalaki, patay sa hit and run sa Calaca

Calaca, Batangas – Patay  ang isang 61-anyos na lolong taga-Balayan matapos na ma hit and run ng isang tricycle sa may national highway, Barangay Salong nitong Sabado.

Kinilala ng Calaca police ang nasawing biktimang si Andres Cabungcal.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, pasado alas 10:10 ng gabi binabaybay lang ng biktima ang nasabing highway lulan ng minamanehong Honda Wave motorcycle (Plate No. DA-72388) nang mabundol niya ang papatawid na aso kaya’t siya’y nadagasa.

Sa kasamaang palad ay tiyempong dumating naman ang tricycle na minamaneho ng di pa nakikilalang driver at suspek at nasagasaan ang matanda.

Dinala pa sa Metro Lemery Medical Center ang biktima na nagtamo ng mga sugat sa ulo pero kinabukasan pasado alas 12:10 ng madaling araw ay binawian din ng buhay ang biktima.

Maaring maharap sa kasong Reckless Imprudence resulting to homicide ang suspek na ngayon ay nagtatago pa rin.

About Jeremaiah Opiniano