Lalaki, patay sa ambush sa Sto. Tomas

Sto. Tomas, Batangas – Patay ang isang 49-anyos na lalaki matapos na tambangan ng di pa nakikilalang salarin sa Barangay Poblacion 3 nitong Martes ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Manolito Llanto.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-9:50 ng gabi, minamaneho lang ng biktima ang kanyang Rusi motorcycle sa nabanggit na lugar ng biglang dumating ang ga suspek at pinag babaril ang biktima sa ibat ibang parte ng kanyang katawan na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Habang mabilis namang tumakas ang mga suspek matapos ang insidente.

Nagsagawa naman ng dragnet operation ang mga pulis para sa posibleng pag dakip sa mga tunmakas na suspek. Patuloy ang kanilang pag iimbestiga sa posibleng motibo ng pagpatay sa biktima.

Nakuha mula sa pinangyarihan ang motor at cellphone na pagmamay-ari ng biktima at limang basyo ng di pa matukoy na kalibre ng baril.

About JENNA RODRIGUEZA