Lalaki, patay sa ambush sa Laurel

Laurel, Batangas – Dead on arrival na sa ospital ang isang 33-anyos na lalaki matapos na pagbabarilin ng nakaalitan niyang suspek sa Barangay Balakilong nitong Martes.

Nasawi sa pamamarila ng biktimang nakilalang si Bartolome Landicho.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, pasado alas-11 ng gabi nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at ang suspek na si Jose Pornea sa loob ng bahay nito na nauwi sa pamamaril.

Agad dinala sa ospital ang biktima na nagtamo ng tama ng bala sa tiyan pero idineklara na itong dead on arrival ng doktor. Tinutugis na ng pulisya ang suspek na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente.

About Jeremaiah Opiniano