Lalaki, patay sa ambush sa Calaca

Calaca, Batangas – Dead on arrival na sa ospital ang isang 38-anyos na lalaki matapos na tambangang ng di pa nakikilalang suspek sa Barangay 2 ng bayang ito nitong Huwebes.

Nasawi sa pamamaril ang biktimang nakilalang si Francisco Arroyo, taga-Barangay Calantas.

Sa inisyal na imbestigasyon, pasado alas-8:40 ng umaga, nakasakay lang ang biktima ng mga oras na iyon sa kanyang Toyoa Corolla na nakapark sa nasabing lugar ng biglang dumating ang mga di pa nakikilalang suspek at pinagbabaril ang biktima sa ibat ibang parte ng kanyang katawan.

Agad namang isinugod sa pagamutan ang biktima pero idiniklara na siyang dead on arrival ng doctor. Habang mabilis na tumakas ang suspek matapos ang insidente.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng mga bala ng cal. 45 baril, cal. 40 at M16. Inaalam naman ng mga pulis ang posibleng dahilan ng pagpatay sa biktima.

About JENNA RODRIGUEZA