Lalaki, ninakawan ng motor sa Lipa

Lalaki, ninakawan ng motor sa Lipa

Lungsod ng Lipa – Isa na namang lalaki ang nabiktima ng hinihinalang carnapper sa lungsod na ito matapos na tangayin ng di kilalang suspek ang kanyang Honda Wave Motorcycle sa may P. Torres Street nitong Biyernes.

Ayon sa biktimang si Richard Africa ng Barangay Sico, ipinarada lang umano niya sa nasabing kalsada ang motor pero naiwan niyang nakasaksak ang susi nito.

Makalipas ang ilang segundo ay narinig na lang umano niyang umandar ang makina ng naturang motor at laking gulat na lamang niya nang makita ang isang lalaking pinaandar at tuluyan nang tinangay ang naturang motor.

Agad siyang nagsumbong sa pulis pero hindi na  nahabol pa ang carnapper. Napag-alamang nakasabit din sa naturang motor ang kanyang bag na naglalaman ng cellphone, wallet na may lamang mahigit P20,000, ATM, IDs at iba pang mahahalagang mga gamit.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

About Jeremaiah Opiniano