Lalaki, ninakawan ng motor sa Lemery

Lemery, Batangas – Ninakaw ng di pa nakikilalang salarin ang motor ng isang 53-anyos na lalaki sa Barangay Palanas ng bayang ito nitong Linggo.

Ayon sa biktimang si Severino Caunar, bandang alas-12:30 ng madlaing araw nang iparada niya ang kanyang Honda XRM motorcycle (Plate No. 9054-WG) sa may parking lot ng Metro Lemery Medical Center para dalawin ang kanyang naka-confine na kaanak sa nasabing ospital.

Pero nang kanyang balikan kinabukasan bandang alas-6 ng umaga ay nadiskubre niyang nawawala na pala ang kanyang motor na pinaniniwalaang tinangay ng magnanakaw.

Patuloy ang imbestigasyon para matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin.

About JENNA RODRIGUEZA